Chapter 32 "Welcome to our home baby" "O-Oh my.. W-Wow Clyde.. A-Ano to?" Hindi makapaniwala si Kyla nang makapasok silang dalawa ni Clyde sa bagong condo unit na kanilang magiging tahanan. Inaasahan niyang katulad lamang ng condo unit nila noon ang itsura ng condo na lilipatan nila ngunit malayo iyon sa expectations niya O mas magandang sabihin na hindi niya talaga inexpect na ganito kaganda ang bagong condo unit na iyon Karga karga siya ni Clyde na para bang bagong kasal sila. Mas lalo niya pang naramdaman na bagong kasal sila nang makapasok siya sa bagong condo unit nila It's everything she wanted for a home. Mukhang pinasadya talaga ni Clyde ang desenyo ng condo unit na iyon base sa taste niya. From her favorite color to her appliances choices. Ang kulay ng pintura sa loob ng c