Chapter 17 "Ay! Sorry po!" Isang tili ng babae ang nagpatigil sa paghahalikan nilang dalawa ni Clyde. Agad nitong sinarado ang pinto ng fire exit at nagmamadaling tumakbo palayo. Para tuloy silang binuhusan ng malamig na tubig ni Clyde! Lagot! May nakakita sa ginagawa nila! "Damn." Agad naman itong sinundan ni Clyde upang kausapin. Napahawak si Kyla sa kanyang dibdib. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Masyado siyang nahibang sa pakikipaghalikan kay Clyde kaya naman hindi na nila naisip na baka may makakita sakanila! Doon pa talaga sila naglampungan sa tv network na kanilang pinagtatrabahuhan? Aba! Malakas na yata talaga ang mga tama nila sa kanilang mga utak. Bakit nga ba hindi nila naisip pareho ni Clyde na delikado ang kanilang ginagawa Huminga siya ng malalim bago niya ina