Chapter 26 "Nasan ka ba gurl? We need to talk! ASAP!" Nagtataka si Kyla dahil tila may pagkataranta sa boses ni Dina. "H-Ha ngayon na ba?" Nag aalangan na balik tanong niya sa kanyang babaeng matalik na kaibigan Wrong timing naman kasi ang kaibigan niya. Napalingon si Clyde sakanya ng mahimigan nito ang pag-aalangan sa kanyang boses. Ngunit tahimik lang itong nagmamaneho habang hinahayaan siyang makipag-usap kay Dina Pauwi na sila mula sa 8 hours taping nito ngayong araw na ito. Pareho silang pagod na pagod ni Clyde. Mag-aalas nuebe na rin ng gabi kaya naman nakakaramdam na sila ng gutom. Napag-usapan nila ni Clyde na maghapunan sa condo unit nito. Oorder nalang daw ito ng makakain nila ngayong gabi upang hindi na siya magluto. Pumayag siya kahit alam niyang may posibilidad na ma