Chapter 41 CLYDE POV "I'm on my way" "Can you do a favor for me honey? Pwede mo bang daanan yung cake na inorder ko? I forgot to bring kasi--" "Where?" Bagot na tanong niya kay Riva gamit ang wireless bluetooth phone niya sa loob ng kanyang kotse Naiinis siya dahil mahilig itong mag utos ng kung ano ano sakanya. Noong nakaraang linggo ay inutusan rin siya nitong bumili ng singsing. Couple ring iyon. Ayaw sana niyang bumili ng singsing na magkapareho sila dahil pakiramdam niya ay nakatali na siya sa dalaga Pero iyon nga ang gusto niya diba? Ang mabaling kay Riva ang atensyon at pagmamahal niyang nasasayang sa isang babaeng matagal nang nang-iwan sakanya "Sa Hoffman mall? Dito lang malapit sa mansyon. Nakalimutan ko kasing daanan bago ako dumiretso dito sa mansyon nila lolo" Napabu