Chapter 22 Dahan dahan niyang inalalayan si Clyde paupo sa kama nito at isandal sa head board ng kama. Sa una ay ayaw pa nitong bumangon dahil nahihilo daw ito. "Paano ka hindi mahihilo kung hindi ka kumakain ng maayos?" parang nanay na sermon niya kay Clyde habang hinahalo niya ang sopas na kanyang madaliang niluto para dito Nagugutom na rin siya dahil pareho lang naman silang walang kinain na matino ngayong araw na ito. Nakatingin lang ito sakanya at pinili nalang nitong huwag magsalita Hinipan muna niya ang sopas sa kutsara bago niya iyon inilapit sa bibig ni Clyde "Ako na Kyla--" Nahihiya pa itong magpasubo sakanya ngunit pilit niya parin itong pinapakain "Ako na Clyde. Huwag na matigas ang ulo mo. Baka kinakain na ng malaking bituka mo yung maliit na bituka mo niyan eh" Wala