Chapter 24 Nagulat si Kyla kay Clyde nang makita niya itong nakatayo sa gilid ng pintuan ng kanyang condo unit. Palabas na sana siya upang puntahan si Axelle na paniguradong naroon na sa lobby ng condominium. Nais niya kasing makipaghiwalay na kay Axelle ngayong araw na ito. Nagpumilit itong sunduin siya sa kanyang condo kahit sa lobby lang daw ito maghihintay. "C-Clyde? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya kay Clyde kahit obvious namang hinihintay siya nito Tumayo ito ng diretso mula sa pagkakasandal nito sa pader. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa paglabas niya Tipid itong ngumiti "I'm waiting for you. Ihatid na kita kung saan ka pupunta." Walang kasigla-siglang sambit nito at may pekeng ngiti ito sa mapupulang labi nito He's trying to look okay infront of her. Parang nagpa