Chapter 54 RIVA POV "Hawak na po nila ang babaeng pinadadakip niyo. Naroon na po siya sa G-zake katulad ng iyong ipinag-utos ma'am" Oh perfect! Napangisi si Riva sa ibinalita sakanya ng kanyang isang tauhan. Pasimple siyang nagdiwang dahil naisagawa ng mga tauhan niya ang kanyang ipinagagawa sa mga ito Ipinag-utos niyang dukutin si Kyla sa araw mismo ng kasal nito sa kanyang pinsan "Mabuti kung ganoon. Tell them papunta na ako roon at huwag nilang hahayaang makatakas ang babaeng iyon." Yumuko lamang ang kanyang tauhan bago siya nito iniwanan muli sa loob ng kanyang pribadong kwarto. Nagpahid muna ng kanyang paboritong red lipstick si Riva bago siya pumunta sa G-zake. Ang hide out ng kanyang grupo. Siya ang isa sa mga leader ng grupong pinamumunuan ng kanyang lolo. Walang kamalay