Chapter 44 Walang tigil ang mabilis na pagtibok ng puso ni Kyla habang naglalakad sila ni Clyde sa hallway ng isang highclass condominuim. Marahil dito na ito nakatira ngayon? Pinabayaan na ba nito ang condo unit na binili nito para sakanya noon? Isinama siya nito ng sapilitan kaya't wala siyang magawa kundi ang sumunod lamang sa likuran nito Kinakabahan siya dahil paparusahan daw siya nito. Anong parusa naman kaya ang gagawin nito sakanya sa loob ng condo unit nito? Napalunok siya at ipinilig ang kanyang ulo. Kung ano ano kasing berdeng imahinasyon ang nagpa-flashback sa utak niya Masarap na parusa yata ang naiisip niya. Gaga ka talaga Kyla. --Inis niyang saway sa pasaway na imahinasyon niya Hindi naman siya kinakabahan dahil nakasunod naman ang mga body guards ni Johan sakanya.