"Gustuhin ko man kayong samahan dito hanggang sa puwedi nang uuwi ang dalaga ninyo kaso kailangan ko ng mauna. Walang namamahala sa MGJG at KOTN. Dahil nasa pagamutan ang mag-asawa," wika ni Greg. "Nauunawaan ka namin, Pare. Kaya't sige at tatawagan natin ang airline para sa pag-uwi mo. And hopefully pag-uwi namin sa susunod na linggo ay makabisita kami sa inyo," tugon ni Garrette. "Tama naman ang asawa ko, Pare. Total nandito naman kaming mag-asawa upang may makasama ang mga bata. Kawawa naman ang mga anak ninyo kung wala silang kahalili." Iniangat naman ni Christine ang paningin. "Ah, ako lang ang uuwi. Dahil maiiwan ang asawa ko. Alam ko namang hindi sasabay sa akin si Elijah. Kaya siya sumama rito sa pagpapagamot dahil nandito ang kasintahan niya," maagap na pahayag ni Greg. "Oo, M

