"Ready na ba ang gamit mo, anak?" tanong ni JD sa panganay niyang anak. "Opo, Papa. Bibitbitin ko na lamang po," tugon nito. "Tandaan mo, Khemkaeng, mas importante ang sportsmanship kaysa parangal. May tiwala ako sa iyo at alam kong kaya mo ang laban na ito. Still, I want to tell you that matalo man o panalo ay ikaw pa rin ang champion sa amin ng Papa mo." Dahan-dahan ding lumapit si Fier Yan sa kinaroroonan ng mag-ama. "Opo, Mama. Tatandaan ko po lahat ng bilin ninyo ni Papa." Sumalubong ito sa kaniya at nagbigay-galang. "Very good, anak. Go and take your bag now. Your money is with me so you don't have to worry about it," muli ay saad ni JD. Kaso! Ang inaakala nilang walang pakialam sa pag-alis ng kapatid ay biglang tumalon sa higaan. Lumapit ito sa Kuya saka hinawi paharap dito.

