"A-anong sinabi mo? W-wala na sina Mommy at Daddy?" hindi makapaniwalang tanong ni Greg sa asawa na sumagot sa tawag ng manugang nila. "Yes, Honey. Dinig na dinig ko pa ang palahaw ng mga apo natin. Ang pagwawala ni James. Sa boses nito ay ang doctor ang inaaway. Let's go there, Honey," umiiyak namang tugon ni Magdalene. "What's going on, Greg? Why are you crying? Is there's something wrong?" sunod-sunod namang tanong ni Darrell. Kung tutuusin ay hindi pa umiinit ang mga puwet nila simula nang umuwi sila galing pagamutan. Nakapag-ayos lamang sila sa kanilang sarili. Nakipagkulitan kaunti sa magkapatid na Khem at Khim. Sinagot ang mga pangungumusta ng mga kaibigan ng kanilang ama. Dahil sadya naman silang palakaibigan kaya't hindi na nakapagtataka kung kung halos lahat ng tao sa lugar ni

