"Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa inyong mag-asawa o matatawa. Aba'y anong akala ninyo sa mga anak n'yo? Tama, may kapangyarihan sila ngunit nakalimutan n'yo na yatang mga de-kalibreng baril na ang armas ng mga tao ngayon." Hindi maipinta ang mukha ni Angela habang kausap ang bunsong kapatid at hipag. "Hindi naman sa ganoon, Mama. May tiwala lamang ako sa kanilang magkapatid. Alam kong kaya nila lalo na kapag sanib-puwersa sila," tugon ni JD. Sinalo naman kasi niya ang pagsagot sana ng ama sa tiyahin. "Still, they are young children. Seventeen at dose pa lamang sila, James anak. May rescue pa silang six years old. Anong akala mo sa kanila mga multo at gumiho ayon sa prinsesa ninyo?" hindi pa rin kumbinsadong tanong ni Angela. "Alam ko po iyan, Mama. At wala akong ibang maisasagot d

