"Honey!" ang salitang tanging namutawi sa labi ni JD nang nakalapit siya sa kaniyang asawa. Wala siyang pakialam sa paligid. Bahagya niyang itinabi ang asawang ilang buwan niyang inaasam-asam na magbalik. Ang mayakap at muli itong ikulong sa mga braso niya. Heto na nga, nasa harapan na niya ito. Kaya't niyakap niya ito ng buong higpit. Hindi pa siya nakuntento ay bahagya niya itong iniangat saka ipinaikot-ikot. "I miss you so much, Honey. Where have you been? How are you? Where are those dragon warriors?" sunod-sunod niyang tanong kasabay nang paglapag niya rito. Ngunit nanatili siyang nakayakap dito. How he miss her. "Baka naman maaaring mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo, Master James. Ang belly ko, hindi mo ba itatanong?" pabulong na tanong ni Fier Yan. "Bakit ko pa tatanungin

