"May problema ka ba anak? Kanina ka pa hindi mapakali. Ano ba ang sinabi ng mga taga Chiang Mae?" tanong ni Dalene sa manugang. Halatang hindi mapakali. "Ah, Mommy, ilang araw po ang rush na pagpapagawa ng passport? I mean ng bagong passport," tugon nito. "Seven to fourteen days, anak. Pero sino ang papagawan mo ng passport? Samantalang may passport naman kayo ni James." Hinarap niya ito. "Ah, si Baby Khim po sana, Mommy. Ayon kasi kay Pinunong Decha ay nagtungo raw doon sina Khim at Soong. Pinakiusapan daw nila ang mag-asawa na kung puwedi raw ay isama namin si Baby Khim," nakayuko nitong tugon. Kaya naman ay hindi na nakita ang makahulugan nilang tinginan ng asawa. Kasalukuyan silang nasa tahanan ng mga Cameron. Sa mga magulang ng buntis na si Janina. Subalit dahil sabi nila na magpa

