"Kumusta na raw ang Lolo ninyo, anak?" salubong na tanong ni Greg sa kadarating lamang na si James. "Natatakot akong sabihin na okay siya dahil ilang taon na ring hindi stable ang kalusugan niya. Kung hindi ako nagkakamali ay may dalawang taon na. Pero alam mo po ba, Daddy? Sa tuwing tinatanong niya ako kung wala pa raw ba kaming next baby ay para siyang walang dinaramdam. Naisip ko tuloy sissy, manunumbalik kaya ang kalusugan niya kapag may younger siblings na si Khim?" patanong nitong sagot. "Maaring nararamdaman na niya ang nalalabing araw niya anak. Nasanay sila ng Lola mo na tayo ang araw-araw na nandito. Ang Ate Vienna Reign mo, nakapag-asawa na nga rin kaso sa Cagayan Valley naman. Ang Kuya Elijah at Kuya Ally mo lang ang napermi dito sa barangay natin. Kaya niya binabanggit ang t

