Chapter 23

1980 Words

GENNA SIGHED IN RELIEF and smiled when she saw the woman she helped slowly opened her eyes. Anim na buwan itong walang malay, marahil ay dahil sa pinagdaanan nito. Nakatulong naman ang mga halamang gamot na pinainom niya para bumalik na ang malay ng dalaga. "Mabuti naman at gising ka na." Aniya sa dalaga. Tumingin ito sa kaniya at napakurap. "S-sino ka?" Mahina nitong tanong. Nginitian niya ito. "Ako si Genna, ang tumulong sa 'yo sa bangin. Anim na buwan kang walang malay, marahil dahil sa mga tinamo mong sugat at tumama pa ang katawan at ulo mo sa batuhan." Sabi niya. Kumunot ang nuo ng dalaga, mukha itong nagtataka sa mga sinabi niya. Pero siya ang nagtaka dahil sa sumunod nitong sinabi. "Sino ako?" Kaagad na lumapit si Genna sa dalaga na nakakunot ang nuo habang nakatingin sa kaniy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD