Pag-pasok pa lang namin ay flash ng camera, saliw na tugtugin at nag-uusap na mga tao ang bumungad sa amin. May press pa pala dito? Kainis! Kanina pa nangangalay yung panga ko kaka-ngiti huhu. "Oh! Mr. Foster, I'm glad to see you here," aniya ng isang lalaki. Matanda na ito ngunit nangingibabaw pa rin ang ka-pogi-an niya. Grabe, ano kayang secret niya? Nagpapabanat ba siya ng mukha? "I'm glad to see you here also," malamig ngunit naka-ngiti na anas ni Jarvis. Ngumiti siya! Ang pangit naman niya! Dapat hindi siya nangiti! Inilibot ko ang paningin ko sa malawak na hardin kung saan pag-darausan ang party, madaming mga babae na nagagandahan ang mga dress at mga alahas, ang mga lalaki naman ay puro naka-three piece suit, ang pogi nila hihi! Humagikgik ako at ramdam ko din ang pamumula ng p