NAINIS SI GREG SA sarili sa nakikitang reaksyon ni Alexis habang binabasa ang sulat ni Czaryna. Hindi naman alam ni Alexis kung matatawa ba o magagalit sa liham ng dating asawa ni Greg. Paano ba naman ay nagawa pa nitong mag-advice sa kanya ng mga paraan para mas lalong mahumaling daw sa kanya ito. Palihim niyang tinignan ang reaksyon ng lalaki sa pagkakakunot ng noo niya. Madilim ang mukha nito na tila ba naiinis na hindi mawari. Doon na siya tuluyang natawa. May kapilyuhan pala rin ang lalaki. Akala niya kasi ito ang klase nang lalaki na hindi patitinag ninuman. Doon napagtanto ni Greg na pinagtitripan lang pala siya ng babae. "Hmmmm..." aniya rito saka hinawakan ang kamay nito at niyakap. Tila may musiko na siyang sinasayaw nila. Ang pintig ng mga puso nila ang siyang ritmo upang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books