NABIGLA SI GREG sa nabungarang eksena dahil mukhang nagkakainitan ang dalawang babae. "What's happening here?," tanong niya sa mga ito habang binababa ang kalong na batang babae. Nakita ni Alexis kung paano nito ingatan ang anak ni Czaryna. Ramdam na niyang kaya nagbalik ang babae dahil sa anak. "Greg, ito kasing babaeng ito eh. Pagbabantahan ba naman akong papatayin daw kami ng anak natin kapag di pa daw kami umalis sa isla mo," sinungaling na turan ni Czaryna. Nanlaki ang mata ni Alexis sa kasinungalingang tinuran ng babae. Lalo na at nakitang matamang na sa kanyang nakamata si Greg. "What is this all about Alexis?," tanong sa kanya na tila galit. 'Hmmm...kakampihan mo pa ang kasinungalingan ng babaeng iyan,' aniya sa usap habang matalim ang titig kay Czaryna na ngayon ay ngiting-