RENZO Hindi ko alam kung saan ba ako puwede makabili ng dill pickles. Kaya ginambala ko si Julio. Tutal siya naman itong layas kaya alam niya kung saan ang bilihan sa dis oras ng gabi. Naintindihan ko na ngayon ang reklamo ng mg empleyado kong lalaki na may mga asawang buntis. Hindi pala biro kapag naglilihi si misis. Ayoko naman hindi ibigay ang gusto niya baka maging bugnotin ang anak ko. Kahit ano para kay Charm gagawin ko. Maging mas mahirap pa man sa dill pickles. I would do everything for the woman I love. At least with this, I can show Charlie the love I can't tell her bilang si, James Madrigal. Pero sa lahat naman ng hihilingin niya strawberry taho? Tinalikuran ko si Charlie at hinablot ang susi ng sasakyan niya na kalalapag ko pa lamang sa bedside table. I am starving since we