[Renzo] Tinitigan ko ito sa mga mata. Bakas sa aking mukha ang inis rito. Hindi ko iyon maitago dahil iyon ang aking nadarama. Poot. Nalaman ko na binigyan ito ni Lolo Leon ng pundo para sa proyekto nitong apartment sa Davao. Samantalang iyong car buy and sell na idinulog ko sa kaniya ay hindi niya man lang pinagisipan. Sinong hindi magagalit kay Lolo Leon? All of which happened in the past few months. Nakalaya itong gumalaw ng umalis ako para mag-training ng pagiging perfect husband. “Tinatanong kita, Lorenzo. Sumagot ka!” “Don’t you yell at me! Sasagot ako kung gusto ko,” buwelta ko rito. “Mapagmataas ka na, huh? Anong kalokohan ‘yang itim mong buhok at nagpa-sun tan ka pa talaga.” "My personal affairs are not your concern, Engineer Ramon Sandoval. I don't work here to talk about my