RENZO Halos dalawang oras lang ako sa higaan. Hindi ako makatulog. Iniiwasan ko naman na magpabaling-baling sa kama baka magising ko ang mahimbing na tulog ni Charlie. Nang maramdaman kong tulog na ito ay bumaling ako paharap sa kaniya at pinagmasdan ko ang mala anghel nitong mukha. Underneath Charlie’s angelic face is a seductress I can’t resist. Gusto kong ikulong siya sa aking mga bisig ngunit napahiya ako. It freakin’ hit my ego! Pero mabuti na rin iyon. We did not break the rules. Muntik na sana. Pero wala naman akong pakialam sa alituntunin ng ahensya. Nang magtilaok ang manok ng kapitbahay ay bumangon na ako at tinungo ang kusina. When I got there nagluluto na ng agahan si Uno. “Bro, hindi ka rin ba makatulog?” “Hindi. Nasanay na akong alas tres pa lang gising na ako.” “You ba