[Renzo’s POV] Halos maibuga ko ang kape ng makita ko si Julio at makilala ako nito. Nawala na yata ang lahat ng vocabulary words sa utak ko dahil ni isang salita ay walang namutawi sa bibig bukod sa “huh” at makaulit na “huh.” Pakiramdam ko ay sadyang inilaglag ako ni Julio kay Charlie. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang gusto ko na lamang tumalon sa ilalim ng tulay o halonin ako ng lupa. Ni hindi ko masagot ng matino ang simpleng tanong ni Charlie ‘how’s the coffee she made for me.’ Ang timplang kape na yata ni Charlie ang pinakamasarap na kape na natikman ko sa buong buhay ko. Kape?’Kape Renzo hindi si Charlie.’ Hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili ko? Sa tuwing nakikita ko ang mapupulang labi ni Charlie ay gusto kong tikman iyong muli. Paano kung maalala niya ang mg