Charlie’s POV Sa loob ng dalawang araw napaka-alaga ni Renzo. Buong araw kami magkasama and I admit nag-iba ang pananaw ko sa kaniya. Sa likod ng kaniyang panlabas na kulay ay isang lalaki na maalaga, masipag, at hindi mahirap mahalin. Kung totoo man ang love at first. Maybe this is love? Huli na when I realized iba ang namutawi sa aking labi. I wished I can take it back, but it’s too late. ‘Stay with me. Dito ka lang.’ Iyon ang gusto kong sabihin. “Kiss me.” Oh my God! Kiss me. Halikan mo ako ang lumabas sa aking walang prenong dila. Ang landi mo Charlie! Paano ko pa babawiin ang sinabi ko? Masahol pa ako sa isang cougar. I sounded so demanding. Para akong isang babae na uhaw na uhaw sa halik. Hindi nga ba? Gusto kong sisihin ang mga labi ni Renzo. Renzo’s freakin’ sweet soft lips.