[RENZO] ‘Kung hindi lang ako pusong babae ay liligawan ko talaga ‘yon si Miss Charlie. Sir, ang ganda-ganda niya. Matangkad balingkinitan pang-modelo ang pangangatawan. Kaso sabi ni Triva, na-ospital raw nang ilang araw si Miss Charlie kaya’t nagpapagaling pa. Nagkasakit yata. Pero sabi naman ng isang stuff. Prego raw.’ ‘Tama ba ang narinig ko? Buntis si Charlie?’ Hindi ko agad napagtanto ang sinabi ni Julio. Akala ko kasi nagbibiro pa rin ito. Lahat na yata na lumabas sa bibig nito ay puro biro. Kinabahan ako. Kung ano-ano ang tumakbo sa isip ko. Magkakaanak na kami? Agad? Paano kung hindi pala ako ang ama? Kaba at tuwa. Tuwa dahil nagka-bunga ang nangyari sa amin sa Buntod kung si Charlie nga iyon. My instincts are telling it is Charlie. Ang balat nito, her birthmark sa dibdib ay hindi