Chapter 4 | His Scent

1097 Words
Tatlong araw na simula nang makabalik sa Cebu at tatlong araw na ring iniyakan ni Charlie ang issue sa virginity niya. Daig pa ni Charlie ang namatayan. Dahil sa inis ni Phoenix, maluntong na mag-asawang sampal ang iginawad niya rito na gumising sa kabaliwan ng pinsan “I’m not virgin anymore, Phoenix!” paghihinagpis muli ni Charlie parang sirang plaka sa virginity issue niya. “Hello, twenty-first century na kaya! Uso na nga ang live in, wala nang kasal-kasal.” “Pak! . . . Pak!”  Malakas na sampal ang iginawad ni Phoenix bilang sagot at dahil inis na siya sa walang tigil na kangangawa nito. “Aray! Ano ba? Ba’t nanampal ka?!” Hiyaw ni Charlie na sapo ang mukha. “Bagay yan sayo ng magising ka!  Pumasok ka na sa café bukas, Charlie.  Ngumawa ka man forever, hindi na maibabalik ang virginity mo. Let’s just hope na hindi ’yon big issue kay Lorenzo.” “Sinong Lorenzo?” Charlie asked na nagulohan sa sagot ng kaibigan. “Huh? Lorenzo? ’Di ba James ang sabi ko?” Sakto naman na tumatawag ang pinsan niyang si Renzo. Phoenix knew that it was Renzo at kaya walang maalala itong si Charlie dahil mahina ang tolerance nito sa alak o baka nalagyan ng ecstasy ang inomin nito. Naalala ni Phoenix iniwan niya ang kaibigan. Hindi na siya nakabalik dahil nagkita sila ni Calix. At kung magkikita man sila walang ibang dahilan ang mag-churvahan o kumain sa labas. Calixto is only her bed-boyfriend. Open relationship. He can date any woman. She can date any man. But when it comes to s****l pleasure, they only belong to each other. Weirdo man ang set up na ‘yon it’s working out for them. Mas maigi  na ‘yon than banging whoever, just like her brother, Ramon. Ikakasal na ito pero mahilig pa rin mangbabae. No wonder napahamak ang pinsang si Renzo. Baka nga may nilagay na droga sa alak ni Phoenix. If it’s Renzo malabo masyadong good boy si Renzo. Kung siya? Malamang pero ‘di niya maalala, Talamak sa lugar na ‘yon ang droga. Pare-pareho naman silang nag-take no’n ng mga kaibigan kapag nagagawi roon. Pati nga ang kuya niyang si Ramon at mga kaibigan nito ay malamang nag-take rin no’n. It’s a hidden business in some coastal area in Masbate. Talamak ang droga roon. Wala naman pakialam ang gobyerno at kapulisan dahil kahit sila ay nakikinabang sa mismong droga at sa kita ng droga. ***** Nang mahimasmasan sa mag-asawang sampal si Charlie. Agad itong dumiretso sa kuwarto at hinalungkat ang drawer na pinagtaguan ng T-shirt at swimming trunks ng lalaking nakatalik nito. Tiningnan niya kung may kahit anong clue roon. Nagbaka-sakali siyang may marka ang damit nito. Ngunit bigo siya. She got pregnant. Dahil iyon sa katangahan niya. Hindi niya naman masisi ang lalaki dahil wala nga siyang maalala. Kahit man lang sana ang amoy nito ay maalala niya. Scent.  Inamoy-amoy niya ang T-shirt, pati na rin ang swimming trunks.  Pakshet naman, Charlie? Anong kagagahan ’to?  Laking gulat ni Charlie na gustong-gustong niya ang scent na nanggagaling sa itinagong bagay, kabaliktaran sa amoy ni Phoenix. Nakatulog si Charlie na yakap-yakap ang T-shirt. “What the heck?! Goddammit Renzo! You fathered a child without you knowing,” usual ni Phoenix sa sarili ng nakita ni Phoenix ang gamit ng pinsan na akap-akap ni Charlie Now she was so sure. The T-shirt had confirmed it. Alam niya na kung sino ang tatay ng inaanak niya. Sasabihin niya ba sa pinsan ang totoo? “Anong gagawin mo, Filomena? Think! Think! Think of a brilliant idea.” Ipagtatapat niya ba ang nalalaman? O ipagpapatuloy niya ang nasimulan niya ng match making sa love affair ng mga pinsan niya na baka mauwi sa hiwalayan hindi pa man din sila nagkakatuluyan? Bahala na! Ang importante sisiguradohin niya na magkakatuluyan ang dalawa. Dekada na rin ang lumipas. Pareho naghihirap ang kalooban ni Renzo at Charlie dahil lamang hindi nito magawang sabihin na gusto nila ang isa’t isa.           “Get up! Stop sulking there, Charlie” utos niya sa kaibigan.                     “Nix! Ano ba natutulog ako,” reklamo ni Charlie.           “Ano ‘yang yakap-yakap mo?” Inusisa ni Phoenix ang damit.   Aamoyin niya iyon kung cologne ni Renzo ang nakadikit na pabango sa t-shirt. Siguro naman ay may natitirang amoy pa roon.   ”Ano to? Damit ng lalaki? Kanino ‘to?”     Nakataas ang kilay habang hawak-hawak ni Phoenix ang itim na swimming trunks at iwinawagayway iyon. Holy guacamole! Ganoon ba ka sexy ang pinsan niya at mas maliit pa ang balakang nito kan’ya. Masusing sinipat-sipat ni Phoenix ang swimming trunks na animo’y bikini iyon ni Charlie.           “Amin na ‘yan!” Nakasimangot si Charlie habang inaabot ang damit na inagaw ni Phoenix sa kaniya.   “Ikaw Charlie, pinagloloko mo ba ko? Kilala mo ang nakabuntis sayo o ‘di mo kilala?”             “Hindi ko nga kilala. How many times do I have to tell you? Am I gonna trouble you if I do? Ililihim ko ba kay Dada at Kuya Uno? Syempre hindi. Buwesit naman kasi. Ba’t ko pa naisipan mag bakasyon?”           Nalungkot si Charlie si tinuran at sinipat ang tiyan,”I’m sorry, baby. Mahal ka ni mommy. Hindi ko sinasadyang masabi ‘yon. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kaya kapit ka, huh? Hindi ko man mahanap kung sinong Pontio Pilato ang tatay mo. Gagawin ko ang lahat para hindi mo maramdaman na wala kang tatay. Mahal na mahal kita hindi pa man tayo nagkikita.”           Bumilis ang t***k ng puso ni Charlie at pumitik ang kaniyang tiyan. Tila ba naintindihan siya ng anak sa sinapupunan niya. Niyakap naman ni Phoenix ang kaibigan dahil namumula na naman ang mga mata nito.           “’Wag ka ng umiyak. Andito naman kami. Even if we don’t find the father. We can fill the gap. Marami kaya kaming nagmamahal sayo. Package ‘yon kasama na si baby Re—”           “Anong sinabi mo?”           “Baby. . .  baby Enzo.”           “Nauna ka pang pangalanan ang anak ko? Excited much? Tita ka lang tita! Ninang ka lang ninang! Hindi nanay. Baka mas-mauna mo pang malaman kung sino ang tatay ni baby kaysa sa akin. Phoenix, alam mo ba? Kasi kung alam mo na,please lang. Tell me now! It’s stressing the crap of out of me!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD