Kabanata 136. Nahuli kaya sila ng driver ni Blue?

2301 Words

NANAKIT BALAKANG AT magkabilang hita ng magising si Alexa. Napangiwi siya ng akmang tatayo sana sa pagkakahiga. Kaya hinayaan na lamang niyang ibukas ang magkabilang mga mata habang nakahiga. Tumambad sa kaniya ang kadiliman sa buong paligid. Ngunit ang maliit na bintana ay nahaharangan ng maliit na salamin, doon niya naaninag ang malaking buwan ngunit malamlam. Na para bang abot kamay lamang niya. Gumalaw ang kaniyang ulo para tingnan ang natutulog niyang asawa. Napasinghap siya ng makitang wala sa tabi niya si Blue. Napasarap ang kaniyang pagtulog, nahapo siya sa sobrang pagod. Kaya hindi niya naramdaman ang pagbangon nito. Literal na napangiti siya. Biglang sumagi sa isipan niya ang paulit-ulit pagsisiping nilang dalawa. Ang paulit-ulit na pagpisil nito sa bawat daanan ng palad nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD