NANG MAKAALIS SI GREG, ibinaba ni Alexa ang bag sa gilid ng sopa at naupo siya doon. Doon muna siya hanggat hindi sinasabi ng binata na pumasok siya sa kaniyang kuwarto. "Puwede ka ba'ng makausap?" nagtaas ulo siya kay Blue na nakatayo ilang pulgada ang layo sa kaniya. Sandali lang hindi ito nagtagal sa pagkakatayo at naupo din sa kinauupuan niyang sopa ilang dangkal ang layo sa kinauupuan niya. "Alexa, puwede ka ba'ng makausap?" marahan na tanong nito ulot at nakatingin na sa kaniya. "Kung gusto mo akong kausapin tungkol sa pinag-usapan natin kanina. Another bayad." Nagulat siya sa sinagot ng dalaga. "Pati ba naman iyon kausapin ka may bayad? Ang tinde mo?" hindi mapigilang sagot niya sa dalaga. "Sa mga tulad mo! Nakakatakot ka na naman kase hindi ka lang ano! Mukha ka pa'ng ano."

