"MUKHANG MAY problema, uh?"
Mabilis napalingon si Blue sa boses na nanggaling sa kaniyang likuran. Mabilis din niyang binawe nang makita niya si Greg na papalapit sa kinauupuan niya. Sa lalim nang iniisip niya, hindi niya namalayan ang pagbukas ng pintuan.
"Naglalasing ka? Why?" dagdag na tanong nito nang maupo ito sa harapan niya. At dahil nakaupo siya sa harapan ng wine bar, umabot ito ng sariling kopita at sinalinan ngunit ang mukha ay naghihintay pa rin sa sagot niya.
"Hindi naman Greg. Tumikim lang ako nang kaunti kase bigla ko'ng naalala si Carey." nangingiting sagot niya.
Bago ito sumimsim sa hawak na kopita, umiling ito na may ngiti sa labi. Itsurang 'di sang ayon sa nabanggit niyang pangalan.
"Untill now, naiisip mo pa rin ang ang babaeng iyon? Move on ka na, isipin mo na lang na mas pinili niyang sumama sa kaibigan natin kesa saiyo."
"I know, Greg. Bigla lang sumagi sa isipan ko. Saka narealize ko din na, lahat ng mga babae ganyan. Pare-pareho ng ugali. Manloloko." saka mabigat na nagbuntong hininga, "Itanggi ko 'man Greg, nami-miss ko ang mga maiinit na halik at yakap ni Carey." walang alinlangan na sabi niya.
Hindi na iba si Greg sa kaniya. Best friend niya ito at matagal na niya iting kaibigan at isa ito sa mga pinagkakatiwalaan niya. Nagta-trabaho ito sa company nila na ngayon ay pag-aari na niya simula ng isalin ng kaniyang ama ang mga pag-aari nila. Saksi si Greg sa lahat, kung paano siya masaktan sa isang babae. Kung paano siya mabaliw sa isang babae. Kung paano siya lokohin ni Carey at sumama ito sa kaibigan nila ni Greg. Isang kabigan na mahigit sa kaibigan ang tinuring niya pero inahas siya. At isang babae na kulang na lamang ay basbas ng pari para masabing mag-asawa sila ng dalaga.
"Sinabi mo pa Blue. Kaya nga ako till now single, pero hindi ko hahayaan na masayang ang lahi ko. Kahit nagkaka edad na tayo, hindi ko hahayaan na hindi ako magkakalahi." makahulugan bigkas nito sa kaniya.
"Para mo na rin sinabing handa ka na?"
"Bakit hindi? Maraming babae, saka baka maka syempo ako na hindi tulad ng mga naging ex natin." Saka paangil na tumawa ito sa kaniya.
"Naiisip ko lang 'yung masasakit na nangyare Greg, parang ang hirap magmahal ulit. Lalo na 'yung malaman ko'ng may nangyare sa kanila habang may relasyon kami." hindi niya maiwasang magyukom ng palad sa mga nabanggit
"By the way, kaya pala ako naandito, uuwe ako ng probinsya ko."
"Nueva ecija o Tarlac?" mabilis na tugon niya.
"Hindi ko alam kung saan ako ililiko ng kotse ko, pero kasama ka."
Mabilis siyang napatingin kay Greg. Sa kauna-unahan, ngayon lang siya nitong niyaya sa probinsya nito.
"Maraming trabaho Greg." Walang reaksyon sa mukhang usal niya sa kaibigan.
"Tsk! 'Yan tayo eh. Ngayon na lang ako nagyaya tapos tatanggihan mo pa 'ko?"
"Mas gusto ko'ng magtrabaho kesa atupagin 'yan iniisip mo. I know you Greg, iyong salita mo pa lang kanina mukhang hahanap ka na yata ng panibagong isasalpak sa puso mo. Past ako dyan!" madiin na sagot niya. Inabot niya ang wine at nagsalin ulit. Pinuno niya ang sariling kopita.
Pero mukhang hindi siya hihintuan ng kaibigan niyang si Greg ng bumuka ang labi nito at nagsalita.
"Kasama sina Ashley, Hans at Fred. Alangan namang ikaw iiwan ko lalo na at nag ask din si Ashley kung sasama ka ba. Baka doon na maganap ang katotohanan. Aaminin ko, sige, sa Nueva Ecija tayo pupunta. Makiki fiesta tayo. Hindi ba't paborito mo iyong mga kakanin? Baka dahil sa kakanin at fiestahan makahanap ka ng The One."
Malakas siyang natawa sa sinabi ni Greg.
"Damn you Greg! Hintuan mo 'ko!" wika niya na may halong pagtawa.
"Hindi ako nagbibiro Blue. Alam mo naman matagal ng may pagannasa 'yang si Ashley sa'yo."
"Hindi iyan ang ibig sabihin ko Greg." saka nagseryoso siya ng mukha.
Alam niyang matagal ng may pagtingin sa kaniya si Ashley. Lalo na nung malaman nitong hiwalay na sila ni Carey, tila ba isang malagkit itong laging naka dikit sa kaniya. Hindi naman niya maiwasan at kayang bawalin ang dalaga dahil kahit papaano kaibigan niya ito. At hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay rito.
"Huwag na natin iliko ang usapan Blue."
"Greg, dalawang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin 'yung sakit."
"Ikaw lang naman ang ayaw bumitaw sa ganyang nararamdaman, eh!" May panenermon na usal nito sa kaniya.
"No, Greg. Ayokong sumama. Please kayo na lang." pagpupumilit niya sa gusto.
"Wala ka nang magagawa Blue. Naiayos ko na ang lahat na dapat ayusin." pagkasabi nito, inubos nito ang hawak na kopita na naglalaman ng wine. "See you tomorrow bro." saka tumayo sa kinauupuan at walang paalam na tumalikod sa kaniya.
***
KINAGABIHAN KINAUSAP ni Alexa ang kaniyang ina bago sila umalis ng bahay ng kaniyang ama.
"Siguro po 'nay pumayag na 'ko, tanggapin ko na po, kahit alam naman po nating labag sa kalooban ko ang lahat. Para matapos na po ang lahat, kesa laging nanakit si tatay. Para ako na lamang po ang masaktan, huwag lang po kayo ni bunsoy. " lumuluha niyang sabi. Niyakap s'ya ng kaniyang ina na lumuluha na rin sa harapan niya.
"Anak patawarin mo 'ko, wala akong magawa sa gusto ng tatay mo." saad nito habang nakayakap sa kaniya.
"Okay na po iyon 'nay. Nauunawaan ko po iyon. Lalabas na po ako at naririnig ko na ang boses ni tatay sa labas, baka mainip po 'yun at umiinit na naman ang ulo sa atin. Ngayon po kase usapan namin na pupuntahan namin si Mr. Chu, gusto po ni itay humingi ako ng tawad. " saad niya sabay punas ng luha at singhot.
"Anak." namutawi na lamang sa bibig ng kaniyang ina. Diretsyong nakatingin sa mga mata niya.
"Nay ayoko nang umiyak po kayo, tahan na po."
"Mag iingat ka Alexa. May awa ang dios, alam ko'ng gagabayan ka niya at nakatingin siya saiyo."
"Salamat po 'nay, alam ko'ng ngayong gabi may mangyayare, dahil kinakabahan po ako." at hinawakan niya ang sariling dibdib.
"Tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng kapatid mo."
"Alexa!" sigaw ng tatay niya sa labas ng pintuan. Mabilis siyang napatayo sa pagkakaupo.
"Eto na po 'tay! " sigaw din niyang sagot.
"Lumabas ka na diyan at bilisan mo! "
"Opo! Opo 'tay! Ayan na po!"
"Lumabas ka na dyan! Gumagabi, baka kanina pa 'yun naghihintay! "
Doon lumabas na si Alexa, iniayos muna ang katawan at pinunasan ang luha na kusang lumalabas sa dalawang mata.
Nang makarating sila sa bahay ni Mr. Chu, mabilis na nagdoorbell ang kaniyang ama. May katulong na nagbukas ng gate para sa kanila at meron naman nag guide sa kanilang lalaki papunta sa loob ng malaking mansyon. Mabilis na pinagbuksan sila ni Mr. Chu ng pintuan nang malaman na sila ang bisita nito.
Doon kitang -kita na niya ang matabang intsik. Pakiramdam niya tumaas kaagad ang balahibo niya sa itsura nito.
"Magandang gabi Mr. Chu." bati nang kaniyang ama sa intsik.
"Pasok ka Rudy, pati ikaw." malamig na sagot nito tila naandoon pa rin ang galit sa kaniya.
"Ayusin mo Alexa pakikipag usap mo." bulong ng ama niya sa kaniya bago tuluyan silang sumunod sa intsik.
"Ano kailangan mo Rudy? Kayo bayad na ba utang ngayon sa akin?" agaran tanong ng intsik ng makaupo sila sa sopa. Maging ito'y naupo na rin sa napaka garang upuan na kinauupuan nito.
Hindi nga maitatangging sobrang yaman nito dahil sa laki ng bahay itsurang nahihiga ito sa maraming pera. Punong-puno ito ng alahas sa katawan.
Mabilis namang sumagot ang kaniyang ama.
"Mr. Chu, may sasabihin kase si Alexa saiyo, kahapon pa kase siya iyak ng iyak, tila nami-miss ka niya, 'di ba anak?"
"Tay!" gulat na sagot niya.
Pasimple siyang dinunggol ng ama sa nakitang reaksyon niya.
"Naaawa naman ako sa anak ko Mr. Chu, kaya pumunta na kami dito. Hindi ba anak?" pagpapatuloy nito na tina ba umaaro ng taong may galit.
"Opo..." sagot niya na matamlay at mahina ang pagkakabigkas.
Doon na patingin ang intsik kay Alexa at ngumisi sandali lang nagsalita at tumingin kay alexa.
"Ako din miss ko Alexa, Rudy. Mahal ko anak mo. Pero ako mahal ba Alexa?"
"Alexa, tinatanong ka ni Mr. Chu."
"Po? Oo!"
"Alexa huwag ka na uwe, kung miss mo ako dito ka na tulog. Ha?"
"Ah! Hindi pwede Mr. Chu! Kasal muna bago tabi." mabilis na saad ng tatay niya, doon napahinga siya ng malalim at nabunutan ng tinik.
"Ako syempre, gusto na kasal, kase gusto ko madami anak. Ikaw Alexa gusto mo na ba anak?"
"A, e! Oo!" mabilis na sagot niya.
"Sabi ko, pa kasal na tayo gusto mo?"
"Si-sige." tila galing sa paghinga ang sagot niya dahil matalim na nakatingin ang kaniyang ama.
"Alexa, ako excited pakasal saiyo."
"A-ako din." sagot muli niya. Iyon naman ang gusto ng tatay niya. Ang sumagot siya at magandang sagot ang dapat isagit niya.
"Ay yab yu Alexa."
"I love you too, Mr. Chu." ganti sa intsik pero kinikilabutan siya sa bawat sinasagot rito.
"Masaya ako kase mahal ako ni Alexa. Gusto ko Alexa huwag na ikaw uwe. Kahit bukas pakasal na tayo." ulit ng intsik sa kaniya.
"Hindi puwede, sabi ni itay after the wedding doon na ako titira dito." mabilis na sagot niya.
"Bukas pakasal tayo?" ulit nito na tila ba hindi naintindihan ang paliwanag niya. Kaya nagulat siya sa pagpupumilit ng intsik sa kaniya.
"Para agad tayo tabi, tapos agad anak."
"Ha?" sagot niya kunwaring 'di narinig ang sinabi ng intsik.
"Sabi ko miss mo ba ako? Miss din kita Alexa."
"Sige, kung nagmamadali ka, puwedeng sa kabilang araw ang kasal Mr. Chu. Kailangan makapag handa muna kami. " sagot ng ama niya sa gusto ng intsik.
"Tatay ang bilis po!"
Pero hindi pinansin ng kaniyang ama ang sinabi niya, bagkus nagsalita muli.
"Kailangan namin maghanda sa magandang kasal ng anak ko, Mr. Chu. Kaya hayaan mong sa kabilang araw ang kasal."
"Tay, puwede naman pong kabilang buwan, 'di naman po ako tutol." singit niya sa pag-uusap ng dalawa pero tila ba hindi siya naririnig ng mga ito.
"Okay po ba Mr. Chu? "
"Sige Rudy. Ako gayak laki pera sa kasal. Bukas bigay ko pera para sa damit Alexa." maluwang na pagkakangiti nito nang mabnggit iyon.
Doon napagkasunduan ang gusto ng kaniyang ama at ng intsik. Ikakasal sila nito sa madaling panahon.
Umuwe sila ng kaniyang ama na masayang- masaya ito samantalang siya may namumuong luha sa mga mata ngunit pinipigilan bumagsak iyon.
Pagkadating sa bahay nila, dumiretsyo siya sa kuwarto niya at ibinuhos ang luha at humagulgol sa unan para ilabas ang sakit na nakapaloob sa puson niya. Sa isip niya magiging masaya na ang tatay niya, nakuha na nito ang gusto. Magkakapera na sila ng marami at mababawi pa ang luapin nilang nakasangla.
Kapalit no'n salo niya ang kamalasan at bigat ng dibdib, dahil kinabukasan magiging busy na ang lahat para sa pag- aayos sa engrandeng kasal niya sa matabang intsik na 'yon.