APAT NA ARAW ANG NAKALIPAS simula nang magkausap sina Greg at Blue. Iyan din ang ilang araw na hindi nila nagpapansinan sa loob ng opisina. Ganoon pa 'man, ginawa pa rin niyang komprontahin ang nobya kung totoo ba ang sinasabi ni Greg sa kaniya dahil walang lalaki na ayaw nang maulit ang dating malagim na karanasan sa pagmamahal. Kitang-kita niya ang malaking takot sa pagmumukha ni Carey nang banggitin niya iyon at nababasa niyang malabong gawin ito nang nobya. Nakaramdam tuloy siya nang paninisi sa kaniyang sarili. Naawa siya rito nang biglang umiyak ito sa harapan niya. Humagulgol na tila ba takot na takot. Tanging yakap na lang ang iginanti sa babaeng minamahal. Hindi siya pumasok ngayon sa opisina dahil may aasikasuhin sila ni Carey. Nakausap na nila ang nagmamay-ari nang pagdadaus

