"NASAAN ANG HOSPITAL dito? Malayo-layo na rin ang nababaybay natin miss." seryosong tanong na wika ni Blue sa babaeng naka trahe de boda. Ngunit patuloy pa rin ang pagmamaneho niya. "Basta ideretso mo. Nakalimutan ko na rin kase kung saan ang daan. Hahayaan mo ba akong mawalan ng mga paa?" kitang-kita niya ang matinding takot sa mukha matapos nitong magsalita. "Hindi naman, kaya nga tinatanong kita kung saan ba?" mabilis na tugon niya rito. "Basta diretsyo mo lang at kung makakakita ka ng daan pakaliwa, iliko mo." sa boses may halong takot pag rin ng marinig niya ang sagot nito. Imbes na magreklamo siya sa babae dahil sobrang haba na ng nalakbay nila. Hindi maiwasang pasadahan niya ito ng tingin nang magbaba ito ng paningin habang ang dalawang palad akupadong pinagdidikdikan ang kuko s