MABILIS NA NAPATAYO SI BLUE sa kinauupuan ng marinig niya ang sinabi ni Fely sa harapan niya. "What?" namimilog matang tanong niya at nagawa pa niyang maitukod ang dalawang magkabilang kamay sa harapan ng lamesa niya. "Ang daming fiancee Sir Blue. Sino nga ba talaga?" naguguluhang tanong ng matandang secretary niya. Naupo ulit siya sa kinauupuan, "Forget about that Fely. Baka si Carey lang 'yan. Ano ba itsura? Maputi, matangkad at maganda ba ang babae?" dagdag pa niyang tanong. "Ay opo Sir Blue! Maganda at maputi." mabilis na tugon nito, "Ang galing talaga ninyong pumili at mukhang mabait pa. Saka ang sabi niya naglilihi daw po siya. Hindi tulad ng isa kanina, nang iirap pa." Madiin na napapikit siya kasabay ng pag-angat niya ng palad para ilagay sa sintido at hilutin iyon. Tama nga a

