PAGKA-ALIS NI Blue natulog si Alexa maghapon. Nagcellphone siya at pag nagutom naman ay nagluluto ng pagkain. Nangingiting pinagmasdan niya ang ibang pagkain sa lamesa na dapat ay sa binata. Bigla niyang naalala, kailangan niyang magtungo para i check lahat ng gamit de-kuryente sa kuwarto ng binata. Minsan makalimutin itong hugutin lahat ng nakasaksak na gamit tulad ng pang ahit nito sa balbas nito o kaya ang aircon ay nakalimutan na patayin. Maigi niyang inayos ang kama nito na gulo-gulo. Pinunasan ang table at mga frame na nakasabit sa wall. Mga collection nitong malilit na bagay tulad ng mga car. Hindi na rin niya binuksan ang mga cabinet dahil pinagbilin nitong huwag na huwag niyang pakielam lahat ng damitan nito. Pero may napansin ang mga mata niya. Nakabukas ang isang cabinet at ti

