PABAGSAK NA INUPO NI BLUE ang katawan sa sopa, habang si Greg naman ay nangingiting pinagmasdan lamang siya sa pag-upo. Kahit wala pa siyang naikukwento dito tila ba nababasa na nito ang kalokohang ikukwento niya. "Hanggang kailan daw sa bahay mo si Carey?" tanong nito ng hindi na makatiis. "Pinalayas ba ito o magbabakasyon ito sa bahay ko? Sobrang laki kase ng dalang bag Greg." malayo sa sagot niya sa kaibigan. "Malay ko! Ano, kumusta ang dalawa sa loob ng bahay mo? Nagraranbulan ba?" "Alam mo na ang agot diyan Greg. Si Alexa pa!" Tuluyan nang humagalpak ng tawa si Greg. Inignora niya iyon at nagsalita ulit siya. "Sa nakikita ko gagawa talaga nang paraan si Carey. Halos hating gabi na kami umuwe ng bahay kagabi dahil pinipilit ko'ng mangupahan na lang." "Ending sa bahay mo talaga

