AT DAHIL SA PANGAKO ni Blue, maagang lumuwas silang mag-asawa pauwi ng probinsya ngunit habang nasa byahe sila, para ba'ng hinihila ang mga mata niya dahil sa bigat. Gustuhin 'man niyang makarating nang probinsya na hindi natutulog at makikipag kuwentuhan lamang kay Blue para ba'ng hindi niya kaya. Halos mag-umaga na silang natulog ni Blue dahil sa mahabang kuwentuhan. Napag usapan nila ang nalalapit na kasal sa simbahan. Ayaw 'man niya na ganapin sa maagang panahon dahil naghihintay sa kanya ang pabrika ngunit hindi na rin pumayag si Blue na patagalin iyon kahit na ba ilang araw pa lang nakakalipas ang kasal nila sa civl. Nawala na rin sa isipan niya kagabi ang chat ni Hanz na inignora lamang niya matapos mabasa ulit ang chat nito. Maging iyon ay takot niyang banggitin kay Blue dahil na

