KABANATA 115.

1726 Words

TAHIMIK HABANG KAPIT SI ALEXA ni Blue sa bewang, naglalakad sila papasok sa malaking compound na may kadiliman. At dahil 60th birthday ng ama ni Blue, doon ginanap ang malaking party. Wala siyang kibo at pumayag na lang siya na sumama dahil ramdam pa rin niya ang pagkainis sa asawa. Nasa isipan pa rin niya ang pabrika na dapat ay pumasok siya dahil iyon ang unang araw niya ngunit nagbago ang isipan ni Blue. Magmula umaga hanggang matapos ang tanghali hindi niya ito pinapansin o kinikibo 'man lang pag kinakausap siya nito. Hinayaan naman siya nitong nakabugnot na tila ba baliwala rito ang sambakol niyang pagmumukha. "Baka gusto mo'ng ngumiti sweet hearts?" anito habang humahakbang sila. "Bakit ba pagngiti ko pinoproblema mo?" asik na tugon niya kay Blue. "Luwagan mo nga 'yung hawak mo!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD