"HOW ARE YOU TODAY? Mula pa kagabi hindi ka nagrereply, ah." bungad na pagbasa ni Alexa sa kaniyang cellphone ng buksan niya iyon. Halos tadtad iyon ng chat ni Hanz gawa na hindi niya ito sinin kagabi at mag aalas onse na rin ng umaga niya ito nakita. Pilit siyang nagpahatid kay Blue pauwi ng bahay. Sa kotse para silang mga pinitpit na luya dahil sa sobrang tahimik nila. Ngunit bago nila nilisan ang kuwarto giniit nito ang nais. Ang pagpapakasal nilang dalawa. Walang ibig magsalita o bumanggit ng tungkol sa kasal hanggang sa marating na nila ang kanilang bahay. Hanggang sa loob loob ng sala hinatid siya nito kaya ganoon na lang ang gulat ng kaniyang ama't ina sa nakita. Inabutan nilang naandoon ang mga ito, mabuti na lang nasa palaruan si bunso'y at tiyak maging ito'y magtataka sa nakit

