NANG MARATING nila Alexa at Lhira ang kalooban ng malaking bahay, may isang babaeng sumalubong sa kanila. Nginitian siya nito at saka hinawakan siya sa may baraso na tila ba pinipigilan maya't nakangiting nagsalita. "Hello Alexa, ang ganda mo pala." bati nito saka bumeso pagkatapos ganoon din kay Lhira. Nasa mukha pa rin niya ang pagkagulat sa babaeng hindi kilala. Para ba'ng wala itong balak na pagsalitaan siya dahil sasagot pa lamang siya nang magsalita ulit ito sa harapan niya. Katatapos lang nito sa pagyapos kay Lhira na hinintay naman niyang bumitaw para tanungin kung sino ba ito at bakit kilala siya. Pero mas mabilis ito. "Ang akala ko hindi na kita makikita! Totoo nga pala ang sinabi ni Greg. You'te so beautiful na puwedeng maging Binibining Santan ang katawan at itsura mo girl."

