Chapter 27: Napayuko si Calvin sa ipinaratang ko sa kanya. Sandali siyang hindi nakapagsalita. Mas umagos ang luha sa aking mga mata. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Hindi na niya kailangang magsalita dahil sa ikinikilos pa lang niya, tama nga ako. Pinunasan ko ang luha ko at umatras para makalayo sa kanya pero hindi pa man din ako nakakailang hakbang ay hinawakan na niya ang aking kamay. "Baby, hihiwalayan ko si Shanine. Papanagutan ko ang bata. Susustentuhan ko, magpapakilala akong Daddy niya pero hindi ako magpapakasal kay Shanine. Iiwan ko si Shanine, just give me time. Buntis siya at--" Hindi ko siya pinatapos. Iniangat ko ang aking kamay at pinadapo ang nangigigil kong palad sa kanyang pisngi. Sinampal ko pa siya sa kabila at isa pang sampal hanggang sa makuntento ako. So