Chapter 43: Hindi ako mapakali habang nasa trabaho. Pinilit ko na lang ibaling sa trabaho ang lahat ng atensyon ko. Nakikita kong pasulyap sulyap sa akin si Alodia. Alam nya kasing may problema ako kapag tahimik ako at hindi ko sya dinadaldalan ng kung ano ano. Is my love for Karlo enough? Hindi ko alam. Kung dati nung umalis si Calvin ay siguradong sigurado na akong mahal ko sya. Ngayon, hindi na ako sigurado. Sobrang hirap lalo na kung mamimili ako sa kanilang dalawa. Mahal ko pa ba si Calvin? Hindi ko rin alam. Sobrang g**o ng utak ko. Sobrang naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Pagkatapos ng trabaho ay nagtext ako kay Karlo na mauna na sya sa pag uwi dahil maggogrocery pa ako. Wala na kasing stock sa bahay at hindi pwedeng mawalan ng stock dahil gutumin masyado si Ivan. Nag off