Chapter 17: Pinaharap niya ako sa kanya. Yumuko ako para hindi niya makitang umiiyak ako. Halos walang palya ang mga luha kong nagkakarerahan na. Ano ba 'to? Nakakainis naman! Bakit ako umiiyak? "I'm sorry for leaving you. Hindi ako nagpaalam. Tapos pagbalik ko, kayo na pala ni Karlo. Ang sakit, baby." Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Mas naaamoy ko na ngayon ang hininga niyang amoy alak at sigarilyo pero sa paraan na hindi mabaho, kundi mas nakakapagpadagdag pa ng kagwapuhan n'ya. Bakit ba ganon? Bakit ganito ang epekto n'ya sa akin? "Tapos pagbalik mo, may girlfriend ka na rin." "It's not like that baby..." "Calvin, pwede ba tayong mag usap na hindi ka lasing? Ayaw kong pumatol sa lasing..." Marahan ko siyang itinulak para malayo ang katawan niya sa akin. Pakiramdam ko kasi mat