Chapter 6: Nagbihis ako bago lumabas ng kwarto, syempre alangan namang lumabas ako ng nakahubad. Sana lang kapag labas ko, wala na si Calvin. Ang lalaking nagnakaw ng unang halik ko. Argh! Naiinis parin ako kapag naaalala ko! Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Babes at si Alex na naglalampungan sa sofa ng sala. Napairap na lang ako. Naglalampungan sila diyan samantalang kani kanina lang, navirginan ang labi ko. Oh my gosh! Paano na si Karlo? Hindi na siya ang magiging first kiss ko? Siya pa naman ang dream first kiss ko! Si Calvin talaga, magmula nang dumating sa buhay ko, wala na! Wala na, ano nga bang wala na? "Oh, buti lumabas ka na sa kwarto mo?" Nilingon ko si ate at saka s'ya inirapan. "Kasalanan niyo kung bakit ako nagkulong! Kasalanan niyo kung bakit..." Tumulo ang luha sa