Chapter 34: "Ayos na ba ang lahat, Alodia?" Tanong ko kay Alodia habang palabas kami sa building ng MNM. Sabay kaming magla-lunch ngayon dahil pag uusapan namin ang tungkol sa surpresang ihinanda ko para kay Calvin. Excited na ako na sabihin sa kanyang buntis ako. Magiging ama na siya, magpapakasal na kami. Magiging masaya na ang lahat at pakiramdam ko happy ending na. "Yes, ma'am inayos ko na po. Sabay na lang po tayong pupunta sa condo unit niyo bukas." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng isang fast food chain. "Sige, natawagan ko na sila mommy na sa condo unit ko ang celebration ng birthday ko." Tama. Birthday ko at gusto kong ngayon din nila malaman na buntis ako. Naupo kami malapit sa glass window. Kitang kita ang labas mula rito. Pinagmasdan ko ang labas. Matindi ang sika