Chapter 37: "Alam kong hindi maganda ang proposal na ito, pero mas ikabubuti mo ito-" Pinutol ko si Karlo sa pagsasalita. "Hindi. Hindi ako papayag dahil ayokong maging rebound kita Karlo." Binitawan n'ya ang kamay ko at napayuko. Alam kong nasaktan ko s'ya dahil sa pagtanggi ko. Pero ayoko talagang lokohin s'ya. Tumango siya bago nag angat muli ng tingin sa akin. "Sige, kung 'yan ang gusto mo." Natapos ang dinner namin at nagpasyang umuwi na. Mom offered me to live with them in our mansion. Sabi ko pag iisipan ko muna dahil sa ngayon ay maliit pa naman ang tiyan ko. "Why don't you marry me instead? I'm sure marami talagang magtataka. Mapapaisip sila kung sino ba ang ama ng bata." "I don't care." "Sige, pag may nagtanong sabihin mo ako ang ama. Babalik na ako sa kumpanya niyo." H