Flash news, natagpuang patay sa kanyang silid ang kilalang negosyante na si Dane Luigi Alvarez. Kagigising ko lang, napasarap ang tulog ko dahil na rin sa puyat kababantay kay Baby Sky. Sinasanay ko na lang din ang sarili ko na tawagin s'yang Sky kaysa Blue na s'yang kilala ng lahat. Dito sa islang ito ay bibigyan ko ng mas maayos na buhay ang bata. Ang balitang kasalukuyan nagpla-play sa TV ang umagaw ng atensyon ko. Sadyang nilakasan ni Elordi iyon na nakatayo sa gilid ng couch. Dali-daling tumayo ako at hindi makapaniwala na nakatitig sa TV. "Isa ba itong joke?" hindi makapaniwalang tanong ko habang titig na titig pa rin at pinakikinggan mabuti ang bawat detalye ng ulat. Sunod na pumukaw sa atensyon namin ay ang pagtunog ng phone ko kaya naman dali-daling sinagot ko ang tawag. "M