Magkahawak-kamay kaming pumanhik sa huling palapag kung saan may daan patungo sa likod na bahagi kung saan ay may helipad. Naghihintay roon ang helicopter na s'yang maghahatid sa amin patungo sa kabilang Isla. Akala ko ay magyayate kami papunta sa kabilang isla. Pero helicopter ang ginamit namin at kasalukuyan na nga kaming narito sa helipad ng pinakamalaking hotel rito. "Ano ang gagawin natin dito?" tanong ko. Naiilang ako na magkahawak ang kamay namin ngayon pero kailangan naming magtiis dahil parte ito nang pag-arte naming dalawa. "May mga kaibigan akong gusto kong ipakilala sa 'yo." "Alam ba nila kung sino ako?" kabadong tanong ko rito. "Alam nilang asawa kita, Dustein Danielle." Napangiwi ako. "Hindi nila alam na nagpapanggap lang tayo?" makulit na tanong ko rito. "No." Col