"That's what happened." Malungkot ang tinig na ani ko sa lalaking titig na titig ngayon sa akin. Pinunasan ko ang luhang bumasa sa aking mukha. Sinubukan kong kalimutan ang nangyari. Sa pag-aakalang may naging epekto sa mga ito ang pagkawala ko, pero mukhang wala naman. Pitong buwan na ang nakalipas. Nakapanganak na tiyak si Drey. Kumusta na kaya ang magulang ko? "Weak." Usal ng lalaki na waring disappointed sa lahat nang narinig nito sa akin. "Siguro nga, kaya inabuso nila ang pagiging mahina ko." Pilit akong tumayo na hawak na ang newspaper. Ang nakaraan ko sa Santa Estrella ay sinubukan kong itago at kalimutan, pero hindi pala pwedeng gano'n. "Hanggang ngayon ba ay mahina ka pa rin?" "Wala pa rin namang nagbago sa akin." Bahagya itong umiling. Tumalikod at iniwan na ako sa akin