Agad na tumayo si Elordi nang makitang umahon ako sa tubig. Sumenyas pa ito sa dumaang tauhan ng hotel. Hindi ko alam kung para saan iyon, pero mabilis na tumakbo ang tauhan. Nang bumalik ito ay may bitbit nang towel and robe. "Pinanonood nila tayo." Hingal ang tinig na ani ko, hiningal kalalangoy. Ngumisi ito saka mabilis na hinuli ang labi ko ng kanyang labi pero mabilis ding humiwalay. "Magpalit ka muna. Malapit na ang lunch." Ipinasuot n'ya ang robe sa akin at saka marahang ikinuskos sa buhok ko ang towel. Ang pinaghubaran kong damit ay ito pa ang pumulot at saka ako inakbayan. Ito rin 'yong result ng mga taon na lumipas na magkasama kami. Naging magkaibigan kami nito. "Ikaw ang pumili nang isusuot ko." Utos ko rito nang makarating kami sa hotel room saka ako dumeretso nang