Nagising ako na katabi ko na si Elordi sa kama. Suot ko ang isa sa paborito kong t-shirt nito. Hindi na ako nagulat na magkatabi kami, noong panahong hirap na hirap ako ay ito ang sinandalan ko. Malaki ang ambag ng lalaki sa kung sino at kung ano ang narating ko ngayon. Nangalumbaba ako, ang siko ay nakatukod sa dibdib nito. "M-orning," paos ang tinig na ani ko rito nang magmulat ito ng mga mata. Halatang inaantok pa. "Good morning." Kinabig nito ang batok ko at hinalikan ako sa noo. "Tara na at mag-jogging." Nakangising ani ko rito. Sunod kong target na pasukin ang mismong bahay na ni Dane at Audrey, hindi bilang akyat-bahay ha. "I want to sleep..." antok pang ani nito. Mukhang napagod sa byahe n'ya. Muli itong pumikit na plano pa atang itulog talaga ulit. Hindi ako sumagod ka