"Ma'am, nasa labas po si Ma'am Audrey." Imporma ng kasambahay sa akin. Pababa pa lang ako ng hagdan, plano ko sanang tumambay muna sa gym dito sa bahay. Ngunit naantala dahil sa sinabi ng kasambahay. Tumango ako rito at nagpasyang labasin ang kapatid. Nakabuntot agad si Mon at Ton na s'yang bodyguard ko. Si Mon pa ang nagbukas ng pinto kaya naman dumeretso na ako nang labas. "Hi, Audrey!" bahagya ko pang ikinaway ang kamay ko at nginitian ito. "D-ustein," agad itong lumuhod sa aking paanan at humawak sa tuhod ko."Nagmamakaawa ako sa 'yo, sige kunin mo na ang lahat sa akin, pero parang awa mo na...ibalik mo na sa akin ang anak ko." Lumuhod ako saka mariing hinawakan ang panga nito. "Mukha ba akong nangunguha ng hindi sa akin? 'Di ba, ikaw lang naman ang mahilig gumawa no'n? Kinuha m